Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga teenager ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa
pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay may kakayahang pigilan na gawin
ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay.
Ano ang sanhi?
Ang eksaktong sanhi ng depresyon ay hindi nalalaman.
- Ang depresyon ay kadalasang namamana sa mga pamilya. Maaari rin na ang mga magulang ang may negatibong pananaw sa kanilang mga anak, at natututunan ng mga bata ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.
- Maaaring gawa din ito ng mga kaganapan sa buhay na sobra sa stress tulad ng mga problema sa paaralan, nabu-bully, pagkawala ng isang matalik na kaibigan, paghihiwalay ng mga magulang, o pagkamatay ng alagang hayop o miyembro ng pamilya.Gayunman, ang depresyon ay maaaring magsimula nang walang partikular na sanhi.
Ano ang mga sintomas?
Ang isang batang may depresyon ay maaaring:
- Madalas na mairita, uminit ang ulo.
- Sinisira ang mga bagay tulad ng mga bagay na pambahay o mga laruan
- Nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “I hate myself” o “I’m stupid”
- Nawawalan ng interes sa mga bagay na dating gusto niya at kadalasang gustong mapag-isa.
- Makalimutan ang mga bagay at mahirapan sa pag-iisip nang malalim
- Nakakatulog nang matagal, Nahihirapang makatulog sa gabi, o magising sa gabi at hindi magawang makabalik sa pagtulog.
- Nawaawalan ng ganang kumain, Nagiging mapili sa pagkain
- Nagiging sobrang sensitibo salahat ng bagay
- Na-gguilty nang walang dahilan o naniniwala na wala siyang kwenta.Madalas saktan ang kanyang sarili tulad ng paglaslas, pagkagat sa sarili at marami pang iba.
- Pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, tulad ng pagsasabi ng, “I wish I was dead."
Papaano itong sinusuri?
Tatanungin ng healthcare provider ang iyong
anak o isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip ang tungkol sa mga
sintomas ng bata, history ng pamilya, at anumang gamot na
iniinom ng bata.
Karamihan sa sintomas ng depresyon ay mga
sintomas din ng iba pang sakit. Minsan mahirap mabatid ang depresyon sa
iba pang problema tulad ng sakit na bipolar. Ang isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip na
nag-e-espesyalista sa pakikipagtulungan sa mga bata at teen ay
pinaka-kuwalipikado na suriin ang depresyon.
Ano ang magagawa ko para matulungan ko ang mga may sakit na tulad ng depresyon?
Suportahan ang iyong kaibigan. Himukin ang mga kaibigan na pag-usapan ang tungkol sa kung anuman ang gusto
nilang pag-usapan. Maging isang mabuting tagapakinig. Nakakatulong ito
sa mga may ganitong sakit na umpisahang maunawaan na ang kanilang mga nararamdaman at
naiisip ay talagang mahalaga, na talagang nag-aalala ka tungkol sa
kanila, at hindi ka tumitigil mag-alala kahit na sila ay ma-depressed.
Kung papaalisin ka ng iyong kaibigan, huwag lalayo. Ipaalam sa mga bata na
naroroon ka para sa kanila sa tuwing kailangan ka nila. Paulit-ulit na
ipaalala ito sa mga kaibigan. Maaaring kailangan nilang marinig ito nang
madalas dahil pakiramdam nila ay hindi karapat-dapat sa pagmamahal at
atensyon.
Tulungan ang iyong kaibigan na matutunang pangasiwaan ang stress. Turuan ang mga kaibigan na sanayin ang malalim na paghinga o iba pang technique sa pagpapahinga kapag ang pakiramdam ay nai-is-stress. Tulungan ang iyong kaibigan na maghanap ng mga paraan para makapagpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa music, manood ng sine, o maglakadlakad sa mga lugar kung saan maluwag kang makakahinga.
Maging good listener sa mga may ganitong karamdaman. Dapat lang nating intindihin ang sitwasyon nila dahil ang mga kagaya nila ay nangangailangan ng iintindi at makikinig sa kanilang problema. Hikayatin silang kilalanin ang ating Diyos dahil iyon ay isang malaking paraan upang makapagpatuloy siya sa kanyang buhay.