Biyernes, Oktubre 10, 2014

Ekspositori : Ano ang depresyon?


Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga teenager ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay may kakayahang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng depresyon ay hindi nalalaman.
  • Ang depresyon ay kadalasang namamana sa mga pamilya. Maaari rin na ang mga magulang ang may negatibong pananaw sa kanilang mga anak, at natututunan ng mga bata ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.
  • Maaaring gawa din ito ng mga kaganapan sa buhay na sobra sa stress tulad ng mga problema sa paaralan, nabu-bully, pagkawala ng isang matalik na kaibigan, paghihiwalay ng mga magulang, o pagkamatay ng alagang hayop o miyembro ng pamilya.Gayunman, ang depresyon ay maaaring magsimula nang walang partikular na sanhi.
Ayon sa Children Health Network o CHN ang depresyon ay mas malala kapag nagsimula ito bago sa edad na 10 o 11 at hindi resulta ng partikular na kaganapan. Sa kabataan, parehong mga batang lalaki at mga batang babae ay kapwang nasa peligro. Sa panahon ng mga taon ng teen, ang mga batang babae ay doble ang lamang kaysa sa mga batang lalaki na magkakaroon ng depresyon.

Ano ang mga sintomas?

Ang isang batang may depresyon ay maaaring:
  • Madalas na mairita, uminit ang ulo. 
  • Sinisira ang mga bagay tulad ng mga bagay na pambahay o mga laruan
  • Nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “I hate myself” o “I’m stupid”
  • Nawawalan ng interes sa mga bagay na dating gusto niya at kadalasang gustong mapag-isa.
  • Makalimutan ang mga bagay at mahirapan sa pag-iisip nang malalim
  • Nakakatulog nang matagal, Nahihirapang makatulog sa gabi, o magising sa gabi at hindi magawang makabalik sa pagtulog.
  • Nawaawalan ng ganang kumain, Nagiging mapili sa pagkain
  • Nagiging sobrang sensitibo salahat ng bagay
  • Na-gguilty nang walang dahilan o naniniwala na wala siyang kwenta.Madalas saktan ang kanyang sarili tulad ng paglaslas, pagkagat sa sarili at marami pang iba.
  • Pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, tulad ng pagsasabi ng, “I wish I was dead."
 Ang mga teenager ay kailangang bantayan ang kanilang pagdadalaga o pagbibinata . Ang mga teenager na may depresyon ay maari rin magkaroon ng mga sintomas tulad ng madalas na magalit, magkaproblema sa paaralan, labagin ang mga patakaran sa lahat ng maari niyang mapuntahan, at paglayo sa mga kaibigan at pamilya.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ang iyong anak o isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip ang tungkol sa mga sintomas ng bata, history ng pamilya, at anumang gamot na iniinom ng bata.
Karamihan sa sintomas ng depresyon ay mga sintomas din ng iba pang sakit. Minsan mahirap mabatid ang depresyon sa iba pang problema tulad ng sakit na bipolar. Ang isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip na nag-e-espesyalista sa pakikipagtulungan sa mga bata at teen ay pinaka-kuwalipikado na suriin ang depresyon. 

Ano ang magagawa ko para matulungan ko ang mga may sakit na tulad ng depresyon?

Suportahan ang iyong kaibigan. Himukin ang mga kaibigan na pag-usapan ang tungkol sa kung anuman ang gusto nilang pag-usapan. Maging isang mabuting tagapakinig. Nakakatulong ito sa mga may ganitong sakit na umpisahang maunawaan na ang kanilang mga nararamdaman at naiisip ay talagang mahalaga, na talagang nag-aalala ka tungkol sa kanila, at hindi ka tumitigil mag-alala kahit na sila ay ma-depressed. Kung papaalisin ka ng iyong kaibigan, huwag lalayo. Ipaalam sa mga bata na naroroon ka para sa kanila sa tuwing kailangan ka nila. Paulit-ulit na ipaalala ito sa mga kaibigan. Maaaring kailangan nilang marinig ito nang madalas dahil pakiramdam nila ay hindi karapat-dapat sa pagmamahal at atensyon.

Tulungan ang iyong kaibigan na matutunang pangasiwaan ang stress. Turuan ang mga kaibigan na sanayin ang malalim na paghinga o iba pang technique sa pagpapahinga kapag ang pakiramdam ay nai-is-stress. Tulungan ang iyong kaibigan na maghanap ng mga paraan para makapagpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa music, manood ng sine, o maglakadlakad sa mga lugar kung saan maluwag kang makakahinga.

Maging good listener sa mga may ganitong karamdaman. Dapat lang nating intindihin ang sitwasyon nila dahil ang mga kagaya nila ay nangangailangan ng iintindi at makikinig sa kanilang problema. Hikayatin silang kilalanin ang ating Diyos dahil iyon ay isang malaking paraan upang makapagpatuloy siya sa kanyang buhay.